ARESTADO | Taxi driver, kalaboso sa ikinasang buy-bust operation sa Makati City

Makati City – Kalaboso ang 52-anyos na taxi driver matapos kumagat sa ikinasang buy-bust operation ng Makati Police sa Pili Avenue, Barangay West Rembo.

Kinilala ang suspek na si Edgar Tadiwan na nagbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong poseur buyer malapit lamang sa kanilang bahay.

Agad inaresto ang suspek matapos matanggap ang P200.00 na buy-bust money kung saan nakuha pa sa kaniya ang dalawang pakete ng shabu.


Aminado si Tadiwan na nagbebenta siya ng iligal na droga dahil sa maliit daw ang kaniyang kita sa pasada at pawang ng kapwa niya taxi drivers ang kaniyang parokyano.

Facebook Comments