Arjo Atayde at production group nito, lumabag daw sa safety protocols sa Baguio City

Inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagkaroon ng breach of safety protocols sa shooting ng pelikula ng aktor na si Arjo Atayde.

Ayon sa alkalde, hindi nasunod ang pagkakaroon ng bubble sa 100-katao na bahagi ng production at mayroong staff na umalis at bumalik sa lugar nang hindi dumaan sa proseso ng health assessment ng lungsod.

Dahil dito, nagpositibo aniya ang aktor at siyam na kasamahan nito kung saan bigla rin daw na umalis si Arjo sa Baguio nang hindi nagpapaalam sa alkalde kahit siya ay positibo ng virus.


Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Arjo sa isyu habang nasa isang isolation facility na sa Baguio City ang siyam na kasamahan nito.

Ipinatigil din muna ang shooting ng pelikula dahil sa insidente.

Facebook Comments