Arm chair, ibibigay sa mga paaralan na apektado ng giyera sa Marawi

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Gobyerno ng Amerika ang pamamahagi ng mga arm chair sa mga eskwelahan na naapektuhan ng krisis sa Marawi City.

Ayon sa ipinalabas na impormasyon ng US Embassy sa Manila, naipamahagi na ng US Agency for International Development o USAID , ang unang Batch ng mga upuan sa halos nasa 2 libong estudyante sa 5 eskwelahan sa bayan ng Saguiaran,Lanao Del Sur kung saan nakaenroll ang mga estudyanteng naapektuhan ng krisis sa Marawi.

Tinatayang nasa 6,500 na arm chair ang ipagkakaloob ng USAID.


Nitong lamang Setyembre, inanunsyo ng Amerika ang 730 million pesos na tulong para sa relief at recovery ng Marawi.

Facebook Comments