ARMADONG GRUPO, TARGET NA MAWAKASAN NGAYONG TAON

Cauayan City – Target ng pamunuan ng 5th Infantry Division na tuluyan nang mawakasan ang pwersa ng mga nalalabing armadong grupo sa kanilang nasasakupan.

Ito ang inihayag ng pinuno ng 5th Infantry Division na si MGen Gulliver L. Señires sa naganap na talakayan kahapon ika-13 ng Agosto.

Sa ibinahaging impormasyon ni MGen Señires, bilang na lamang ang grupo ng mga teroristang nasa kanilang nasasakupan kaya’t posible umano na bago pa man matapos ang taong 2024 ay tuluyan ng magiging malaya sa insurhensiya ang mga lugar na kanilang binabantayan.


Binigyang diin din ni MGen Señires na nais nilang mapasuko ang mga miyembro ng makakaliwang grupo sa pamamagitan ng maayos na paraan at hindi sa pamamagitan ng dahas.

Sinabi ni Señires na katuwang ang iba pang local authorities, iba’t-ibang programa ang kanilang inilulunsad upang mahikayat ang mga tagasuporta ng mga rebelde ganundin ang mga miyembro nito na magbalik-loob sa pamahalaan.

Facebook Comments