ARMAS AT PAMPASABOG NA PAGMAMAY-ARI NG MIYEMBRO NG ISANG COMMUNIST TERRORISTS’ GROUP, NAREKOBER SA SAN NICOLAS

Narekober sa Sitio Cabalitian, Brgy. Sta. Maria, San Nicolas, Pangasinan ang aabot sa 60 armas at pampasabog na pagmamay-ari ng mga dating miyembro ng grupong Kilusang Larangang Gerilya Caraball matapos ipagbigay-alam ng dating miyembro sa awtoridad.

Kabilang sa mga narekober ang 55 rounds ng ammunition, tatlong rifle grenade, dalawang magazine ng M16 rifle at isang generator set.

Dahil dito, muling hinimok ni 71st Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Benny Singca ang mga residente sa lugar na maging mapanuri at makiisa sa ahensya upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.

Tiniyak din ng opisyal na patuloy ang mga peace and development programs para sa mga komunidad at suporta sa mga nagnanais magbalik loob sa gobyerno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments