Armas at Pampasabog ng NPA, Narekober ng Militar Matapos ang Sagupaan sa Ilocos Sur!

56

Ilocus Sur – Narekober ng 81st Infantry Battalion, Philippine Army ang mga armas at pampasabog ng New People’s Army matapos ang sagupaan ng magkabilang panig nitong araw ng sabado sa kagubatan ng Brgy. Gusot, Gregorio Del Pilar, Ilocos Sur!

Ayon kay Lt. Col. Eugenio Julio Osias IV, tagapagsalita ng 7th Infanty Kaugnayan Division,  Philippine Army, nakuha sa lugar ng sagupaan ang limang backpack na naglalaman ng mga personal na gamit, isang caliber 45, mga granada, Improvised Explosive Devices, paraphernalias at mga subhersibong dokumento ng NPA.

Sinabi pa ni Lt. Col. Osias IV na unang ipinarating ng mga opisyal ng barangay at mga residente ng barangay  ang umano’y pamimilit na paghingi ng pagkain, pera at iba pa ng grupong NPA sa mga residente ng Brgy. Gregorio Del Pilar kung saan ay kaagad namang nagtungo sa lugar ang tropa ng 81st Infantry Battalion.

Samantala umabot umano sa bente hanggang trenta minuto ang naging bakbakan ng militar at NPA na wala namang naitalang sugatan sa panig ng militar ngunit patuloy parin hanggang sa ngayon ang manhunt operation ng mga sundalo sa nasabing lugar.

Facebook Comments