Armas ng China, dapat tapatan ng Pilipinas – senador

Iginiit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na tapatan din ng mga armas ng China ang kagamitan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Aminado ang senador na tila nauubusan na tayo ng option o pagpipilian dahil ang diplomasyang pamamaraan ay hindi naman gumagana sa China.

Bukod dito, hindi rin natin kakayanin ang military option lalo’t sa barko pa lang ay kulang na ang Pilipinas.


Suhestyon ni Dela Rosa, kung tubig sa tubig ang laban ay armasan din ng water cannon ang PCG dahil ganito naman ang ginagawa ng China.

At kung laser naman aniya ay dapat equipped din o mayroong laser ang ating mga barko ng PCG.

Punto ni Dela Rosa, nagiging praktikal lamang siya sa kung anong pwedeng pantapat sa China at hindi naman maaaring palagi tayong umiiwas na parang daga at pusa.

Facebook Comments