Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang tropa ng kasundaluhan sa hinihinalang kuta ng teroristang grupo na pinaniniwalaang miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla – Baggas.
Dahil dito, natuklasan ng tropa ang isang hideout ng NPA na inabandona nang maraming buwan batay sa mga track na natagpuan.
Matapos ang masusing paghahanap sa lugar, nakita ng kasundaluhan ang isang arms cache na naglalaman ng isang colt M16A1 rifle na may apat na magazine, dalawang Grand rifles na may limang magazine clip, isang carbine rifle, tatlong rifle grenades, 27 piraso ng 7.62mm ammunition, dalawang M203 live ammunition, isang 60mm live ammunition, dalawang stick ng Ammonium nitrate, tatlong improvised explosive device, electric wire, blasting cap, medical paraphernalia, NPA flag iba pang personal na gamit, at mga subersibong dokumento.
Samantala, ang patuloy na kampanya ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ng Kalinga ay nalalapit na sa pagbuwag sa KLG-Baggas.
Matatandaan na nitong Huwebes, Disyembre 8, 2022 ng makaengkwentro ng mga kasapi ng 54th Infantry Battalion ang humihinang KLG Ampis sa Brgy Tulgao, Tinglayan, Kalinga.