Ayon kay MGen. Castelo, nagkaroon ng engkwentro ang tropa ng military sa mahigit 20 miyembro ng NPA partikular ang Weakened Guerilla Front-Abra-Mt. Province-Ilocos Sur (WGF-AMPIS), isang araw bago ang pagkakarekober sa armas pandigma sa Sitio Likew Brgy. Namal, Asipulo, Ifugao.
Kabilang sa mga narekober ang dalawang (2) Rifle 5.56mm, M16A1; isang (1) Rifle 5.56mm, M653; isang (1) Grenade Rifle, HE; dalawang (2) Grenades;anim (6) piraso ng Anti-Personnel Mine; isang magazine Assembly (long) para M16 Rifle loaded with 9 rounds ammunition; dalawang (2) piraso ng NPA Flag; communications equipment, personal belongings; at medical paraphernalia.
Dagdag pa ni Castelo, magsasagawa sila ng iba pang serye ng Focused Military Operations sa mga susunod na araw para mahanap ang makakaliwang grupo.
Ito ay upang mapigilan ang mga NPA na magsagawa ng mapanlinlang na recruitment at iba pang kalupitan na bumibiktima sa mga inosenteng sibilyan.
Hinihimok rin ni Castelo ang komunidad na ipagpatuloy ang kanilang suporta sa kapayapaan at pag-unlad na pagsisikap ng gobyerno at iulat sa mga awtoridad ang presensya ng mga Communist Terrorist sa kanilang barangay.