Armchairs, Wheelchairs , Medical Services ipinagkaloob sa Talayan Maguindanao

Lubos ang kasayahan ng mga residente ng bayan Talayan Maguindanao, matapos makabiyaya sa isinagawang Medical Mission mula Provincial Government ng Maguindanao.

Libreng Check-up, Gamot , bukod pa sa free dental services at operation tuli ang ipinagkaloob ng Maasahang Serbisyo Medical Team sa mga residente ng bayan.

Pinasaya rin ng Provincial Government ang mga senior citizens matapos mapagkalooban ng mga bagong wheelchair.


Dalawang dumptruck na lulan ng 500 mga bagong armchairs din ang ipinaabot sa mga mag-aaral ng bayan.

Mismong si Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang nanguna sa pagpapaabot ng serbisyo kahapon sa Talayan. Ang aktibidad ay kasabay ng anibersaryo ng bayan.


Facebook Comments