MANILA – Patuloy ang pagpapadala ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bakbakan ng militar at local ISIS terorist group sa Butig, Lanao del Sur.Sa interview ng RMN kay AFP Spokesperson Brig. General Spokesperson Restituto Padilla, sinabi niyang inaalam pa rin nila hanggang ngayon ang motibo sa mga pag-atake ng tinawag na Maute Group na konektado sa Jemaah Islamiyah.Sinabi ni Padilla na sampu na ang casualty ng kabilang grupo habang tatlo ang sugatan sa panig ng militar.Nilinaw din niya na dalawang barangay lang sa Butig ang apektado ng engkwentro kontra sa balita na 16 na barangay.Naniniwala si Padilla na kahit kakaunti lang ang miyembro ng grupo ay banta pa rin ito sa seguridad ng mga residente ng Butig, Lanao del Sur.Samantala… Tumanggi naman ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na konektado sila sa Maute Group.Ayon kay MILF 102nd Base Command Commander Abdullah Makapaar alias Kumander Bravo, wala silang anumang koneksyon sa naturang grupo na umaatake sa bayan ng Butig simula pa noong Sabado.
Armed Forces Of The Philippines (Afp), Patuloy Ang Pagdadagdag Ng Mga Tauhan Sa Bakbakan Sa Butig, Lanao Del Sur… Milf,
Facebook Comments