Armed Forces of the Philippines, iginiit na walang miyembro ng AFP ang umano’y protektor ng pamilya Parojinog

Manila, Philippines – Wala pang naisusumite ang Philippine National Police na impormasyon kaugnay sa pagkakakilanlan ng isang military general na umano’y protector ng pamilya Parojinog .
Ayon kay AFP Public Affairs Office Marine Col. Edgard Arevalo mahalaga na may maibigay na impormasyon ang PNP para direkta nilang matukoy kung active o retired na ba sa serbisyo ang military general lalo’t sa kanila nanggaling ang impormasyong ito.

At habang wala pa aniyang naibibigay na impormasyon ang PNP naninindigan silang walang miyembro ng militar mula sa mababang ranggo hanggang heneral ang umano’y protektor ng pamilya Parojinog kung pagbabatayan ay ang rekord ng AFP .

Mahigpit aniya ang utos ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Ano sa kanyang mga tauhan na kailangang drug free o hindi nasasangkot sa transaksyon ng iligal na droga ang lahat ng sundalo.


Dahil kung sakaling mapatunayang sangkot sila o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot tiyak na mahaharap sa summary dismissal proceeding ang mga ito na magresulta sa pagkakatanggal sa serbisyo.

Facebook Comments