MANILA – Wala pa mang desisyon ang International Tribunal hinggil sa isinampang kaso ng Pilipinas laban sa China, malaki na umano ang naitulong ng pagdinig ng reklamo sa sitwasyon ng West Philippine Sea.Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Brig. Gen. Restituto Padilla, dahil sa naturang kaso mas naging bukas ang mata ng International Community sa mga ginagawang pang-aabuso o pang-haharass ng China ukol sa agawan ng teritoryo.Sabi pa ni Padilla, nababahala na rin ang iba’t ibang mga bansa sa implikasyon ng tensyon sa rehiyon.Maliban sa desisyon ng International Tribunal ay inabangan din ng AFP ang resulta ng pulong sa US-ASEAN Summit kung saan kabilang sa mga natalakay ay ang teritorial dispute sa West Philippine Sea. (DZXL 774 // Michelle Bemejo-Abila – Senior News Writer)
Armed Forces Of The Philippines, Ikinatuwa Ang Pagiging Bukas Ng International Community Sa Isyu Sa Mga Pinag-Aagawang T
Facebook Comments