MANILA – Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga lumabas na report kaugnay sa umano’y pag-sakop ng China sa Quirino Island o Jackson Atoll sa West Philippine Sea.Ayon kay AFP Western Command Vice Admiral Alexander Lopez, walang naganap na pag-take over base sa kanilang pagbabantay.Una nang sinabi ni Kalayaan Mayor Eugenio Bito-Onon Jr. na nasa limang barko ng China ang pumipigil sa mga mangingisda na makalapit sa naturang isla.Sinabi naman ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, na umalis na ang mga chinese vessels na namataan sa teritoryo ng bansa.Inamin din ng China na nagpadala sila ng mga barko sa Quirino Island para makatulong sa pag-aalis ng nabalahong fishing vessel na pagmamay-ari ng isang filipino commercial company na staranded sa lugar mula pa noong Nobyembre.
Armed Forces Of The Philippines, Itinanggi Ang Pagsakop Ng China Sa Quirino Atoll Sa West Philippine Sea
Facebook Comments