Armed Forces of the Philippines, kontrolado na ang sitwasyon sa Mindanao

Manila, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kontrolado na ang sitwasyon sa marawi city matapos na lusubin ng maute group.

Sa press conference kagabi, ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Marine Colonel Edgard Arevalo – mahigpit ang pagbabantay ng buong pwersa ng militar sa nasabing lugar.

Nilinaw din ni Arevalo na mga armadong grupong naka-engkwentro ng tropa ng gobyerno ay mga sympathizers o sumusuporta sa international terrorist group na ISIS.


Iwinasto ni Arevalo ang mga kumakalat na maling balita na inokupahan ng mga terorista ang ilang gusali at establisyimento sa Marawi.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang follow-up operations sa nasabing lugar.

DZXL558

Facebook Comments