Armed Forces Of The Philippines – Mananatiling Nasa Active Defense Mode Sa Kabila Ng Pagbawi Ng Cpp-Npa Sa Idineklarang

MANILA – Ikinalulungkot ng Armed Forces of the Philippines ang pagbawi ng New People’s Army ng kanilang sariling deklarasyon ng unilateral ceasefire.Sa interview ng RMN kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla – umaasa silang ikokonsidera pa rin ng CPP-NPA ang kanilang pagbawi habang mayroon pang panahon.Ayon kay Padilla – ito ay upang maikasa na ang pangmatagalang kapayapaan na dati pa inaasam ng bansa.Sa kabila ng pagbawi ng unilateral ceasefire ng CPP-NPA, sinabi ni Padilla na hindi pa rin tumatalikod ang pamahalaan sa idineklarang suspension of military operation a komunistang grupo.Kaya naman, kahit nakataas ang alerto ng tropa ng militar ay nananatili pa rin silang nasa active defense mode.

Facebook Comments