Armed Forces of the Philippines, nakaalerto sa ika-49 na taong anibersaryo ng New People’s Army ngayong araw

72
Manila, Philippines – Nakaalerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibilidad na magsagawa ng pananabotahe ang rebeldeng New People’s Army (NPA) kasabay ng kanilang ika-49 na taong anibersaryo ngayong araw.

 

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Colonel Edgard Arevalo – nananatiling alerto ang lahat ng military assets sa pagsasagawa ng anumang combat operation kontra sa rebeldeng grupo.

 

Panawagan ngayon ni Arevalo sa publiko – na iwasan munang pumunta sa mga lugar na maaaring pinagkukutaan ng mga rebeldeng grupo upang hindi madamay sa posebling mangyaring bakbakan.



Facebook Comments