Armed Forces of the Philippines, naniniwalang malapit nang matapos ang krisis sa Marawi City

Manila, Philippines – Naniniwala ang gobyerno na nalalapit ng matapos ang krisis sa Marawi City na sinalakay ng Maute group.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restuto Padilla, bagama’t wala pa silang timeline, iniulat ng mga ground commanders na malapit ng matapos ang problema sa marawi.

Taliwas sa mga naglalabasang fake news, kontrolado na aniya ng gobyerno ang lungsod maliban sa ilang lugar na kasalukuyan pang hawak ng mga terorista na subject ng clearing operations.


Samantala, nilinaw din ng AFP na wala pa silang ebidensya na may foreign funding ang Maute terror group.

Magugunitang nanumpa ng suporta at pakikipag-alyansa ang Maute group sa ISIS habang ilang foreign terrorists din ang nakikipaglaban sa militar sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments