Manila, Philippines – *Hangga’t may pagkakataon ay sumuko na ang mga natitirang miyembro ng Maute Group sa Marawi City*
Ito ang panawagan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa harap pa rin ng patuloy na airstrikes na kanilang ginagawa sa lugar.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Restituto Padilla, ginagawa nila ang panawagang ito para matapos na ang gulo nang sa ganun ay mabawasan na ang mga nasasayang na buhay at ang mga nasisirang ari-arian.
Aniya, ang tropa pa rin ng gobyerno ang mananaig sa labanan sa Marawi City, kaya sa mga teroristang hindi susuko tiyak na aniya nila ang kanilang kamatayan.
Sa ngayon, nakatuon aniya sila kung papaano maililigtas ang mga residente sa lugar sa pamamagitan ng patuloy na clearing operation.
Una nang sinabi ng AFP na kontrolado na nila ang sitwasyon sa Marawi, dahil nababantayan nila kung sino ang mga lumalabas at pumapasok sa lungsod.
* DZXL558*