Handa akong magbitaw maipasa lang ang Bangsamoro Basic Law! Ito ang inihayag ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman kasabay ng isinagawang public consultation sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, ARMM Compound, Cotabato City.
“Hindi ako magiging hadlang kung para sa ikakaunlad ng karamihan ng Bangsamoro” giit pa ni Gov. Hataman.
Pabor din si Hataman sa BBL kung tuluyang matutuldukan na ang problema sa seguridad sa rehiyon lalong lalo na kung masusugpo na ang mga naghahasik ng karahasan.
Umaasa naman ang gobernador na sakaling maipapasa na ang BBL ay lalo pang maiayos ang relasyon ng papalit na gobyerno sa bawat Local Government Unit ng rehiyon.
Ang public consultation ay pinangunahan ni Senador Migz Zubiri, kasama sina Sen. Sonny Angara, Sen. JV Ejercito at Sen. Risa Hontiveros. Present rin ang mga opisyales ng BTC at mga opisyales ng ibat ibang LGUs, CSOs at NGOs.
Samantala, si Governor Hataman ay nagsimulang nanungkulan sa ARMM bilang Officer in Charge noong December 22, 2011 matapos italaga ni Pangulong Noynoy Aquino.
Nanalo bilang gobernador noong 2013 sa botong 232,253 kontra sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Pax Mangudadatu na nakakuha ng 99,998 at Nur Misuari na may botong 50,528.
Habang muli itong inihalal noong May 2016 sa botong 749,569 kontra kay Sakur Tan na nakakuha ng 303,749.
Ipinagmamalaki naman nito ang Repormang nagawa sa ARMM at Bangsamoro sa ikli ng kanyang pamamahala.