Tinalakay sa 2nd Expanded Cabinet Meeting 2018 nitong Lunes na pinangasiwaan ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang mga proyekto at programa na ipinatutupad sa 636 identified priority barangays sa rehiyon base sa iba’t-ibang government clusters tulad ng infrastructure, economic, social at governance.
Natalakay din ang Program Against Violence and Extremism (PAVE) ng Office of the Regional Governor ang PAVE ay nagbibigay uportunidad sa mga dating miyembro ng Abu Sayyaf Group na ma-integrate sa sosyodad at hayaan silang mamuhay bilang normal, maging produktibong mamamayan, peace advocates at katuwang laban sa mga karahasan at ekstremismo.
Muli namang inihayag ni Gov. Hataman sa kanyang gabinete ang istriktong pagpapatupad ng mga administratibong polisiya tulad ng official travels at iba pa, pagtugon sa mga reklamo at feedback ng publiko sa pamamagitan ng 8888 Citizens’ Complaint Center.
Nagpauna na rin ang gobernador na sasalang na naman ngayong buwan sa Governor’s Initiative for Systems Assessment (GISA) ang kanyang gabinete bilang bahagi ng monitoring at evaluation sa performence ng mga ito.
ARMM Gov. Hataman, pinulong ang kanyang gabinete!
Facebook Comments