Mariing kinokondena ng ARMM government ang pag-atake ng Abu Sayyaf sa mga tauhan ng DPWH-ARMM sa na nagtatrabaho sa infrastructure projects sa Barangay Baas, Lamitan City, Basilan noong nakaraang linggo.
Matatandaang sakay ng dump truck ang mga biktima na patungo sa Lamitan City galing ng Ungkaya Pukan nang pagbabarilin ng mga miyembro ng ASG.
Nasawi sa naturang pananambang ang mixer operators ng ahenysa samantalang sugatan naman ang dalawang iba pa.
Nakasaaad sa inilabas na statement ni ARMM-Gov. Mujic Hataman, kinokondena ng regional government ang pag-atake sa mga biktima na nagtatrabaho upang matiyak na ang serbisyo ng pamahalaan ay maayos na naipapatupad at nang matamasa ang kapayapaan sa kanilang lugar.
Dahil anya sa nangyaring karahasan, nagambala ang mga pagsisikap ng gobyero para sa rehiyon.
Sa kabila nito, determinado pa rin ang ARMM regional government na ipagpatuloy ang pagpapatayo ng mga imprastraktura na lubos na kailangan ng mamamayan nito.(file photo)
ARMM Gov. Mujiv Hataman, kinondena ang pag-atake ng Abu Sayyaf sa infra workers!
Facebook Comments