ARMM GOV. MUJIV HATAMAN, nagpalabas ng official statement kaugnay ng pagdukot sa DPWH ENGINEER sa Sulu!

Kasabay ng mariing pagkondena sa pagdukot sa engineer ng Department of Public Works and Highways-ARMM sa Sulu ay ipinag-utos ni ARMM Gov. Mujiv Hataman sa security sector na mas paigtingin ang nagpapatuloy na anti-terror campaign sa bansa at palakasin pa ang mga pagsisikap nito sa pag-protekta sa mga empleyado na iniaalay ang kanilang buhay sa pagsilbi sa mamamayan ng Sulu sa pamamagitan ng pagpapatupad ng infrastructure at public works related projects sa rehiyon.
Ito ang nakasaad sa inilabas na statement ni Gov. Hataman kasunod ng pagdukot kay Engr. Enrico Nee sa Sitio Kasalamatan, Jolo, Sulu.
Ang biktima ay tinangay ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group mula sa mismong pamamahay nito.
Dahil sa insidente, nasa 10 katao na ngayon ang bihag ng ASG.
Nakasaad pa sa statement ni Gov. Hataman na ang local terror groups ay naging tanyag din sa pagdukot ng government employees lalo na yaong nagpapatupad ng infrastructure projects dahil ang trabaho ng mga ito ay mas nagpapadali sa isinasagawang law enforcement operations ng militar laban sa teroristang grupo at nagpapahirap din sa movements ng ASG.

Facebook Comments