Bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa expansion ng Barangay Justice Program (BJP) sa ARMM, ginawaran ng Gerry Roxas Leadership Award si Regional Governor Mujiv S. Hataman sa Kia Theater, Quezon City.
Ito ay kasabay ng ika-60 anibersaryo ng Gerry Roxas Foundation.
Naging mahalagang kakampi si Gov. Hataman sa implimentasyon ng nabanggit na programa sa pamamagitan ng pag-empower nito sa barangay justice advocates (BJAs), pagtitiyak na ang naturang advocates ay may makabuluhang ambag din sa nagpapatuloy na Mindnao Peace Process.
Sa Maguindanao, ang BJAs ay nagkamit ng 92% conflict resolution record sa loob ng 3 taon, nakapagresolba ng 1,700 conflicts noong 2009-2012.
Ito ang nag-udyok kay Gov. Hataman na palawakin pa ang programa sa iba pang lalawigan sa ARMM at tulungan pa ang mas maraming BJAs dahil sa potensyal nito sa pagtugon sa kakaibang socio-political context sa rehiyon.
Ang BJP ay proyekto ng Gerry Roxas Foundation sa ARMM na nagsimula noong 2002.
ARMM Gov.Mujiv S. Hataman, ginawaran ng Gerry Roxas Leadership Award!
Facebook Comments