Upang i-assess ang lawak ng kasiraan dulot ng digmaan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at local terrorist groups, binisita ni ARMM Governor Mujiv Hataman kasama ang ilang regional officials ang ground zero sa Marawi City.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok sa lugar ang regional officials sa main battle area matapos na ideklara ang liberation ng Marawi city mula sa kuko ng Maute-Isis inspired group.
Sa gitna ng main battle area ay nag-alay ng panalangin o du’a para sa mamamayan ng Marawi city.
Sinabi ni Gov. Hataman na agad nyang titipunin ang mga opisyales ng ARMM para sa acessment at pagtalakay sa rehabilitasyon ng Marawi.
Ang regional government ay nauna nang inilaan na pondo na nagkakahalaga ng P450 million para sa taong ito at P930 million sa 2018 para sa rehabilitation and reconstruction ng Marawi. (photo credit:bpiarmm)
ARMM Governor Mujiv Hataman, bumisita sa ground zero sa Marawi city!
Facebook Comments