ARMM Governor Mujiv Hataman, kinokondena ang pagpaslang sa health worker sa Sulu!

Mariing kinokondena ng ARMM government ang pagpaslang sa isang health worker nila sa Sulu.

Sa pahayag na inilabas ni ARMM Gov. Mujiv Hataman sa pamamagitan ng social media sinabi nito na laging pinagsisikapan ng ARMM na maproteksyunan ang kanilang health workers, lalo pa at ilang insidente na ng karahasan laban sa mga ito ang naganap.

Hinihimok ni Gov. Mujiv Hataman ang lahat ng local government officials sa buong ARMM na siguraduhin ang kaligtasan ng kanilang health workers.


Noong nakaraang linggo nang isa na namang health worker ang pinaslang sa rehiyon.

Kinilala ang biktima na si Edmiraldo “Emerald” Sollano Wee, ng Sulu Integrated Provincial Health Office.

Pauwi na umano si Wee sakay ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin, tinangay din ng mga ito ang sasakyang ng biktima bago tuluyang tumakas.

Ang pagtitiyak sa karapatan ng Bangsamoro sa Kalusugan ay pangunahing bahagi ng kanilang mandato bilang elected government officials, ang ano mang pag-atake sa health workers ng ARMM ay pag-atake din laban sa Bangsamoro people, ayon pa kay Gov. hataman.

Facebook Comments