Sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, North Cotabato 2nd Dist. Cong. Nancy Catamco, Tawi-Tawi Rep. Ruby Sahali, Lanao del Sur 2nd Dist. Rep. Mauyag Papandayan, Zamboanga Sibugay first district Cong. Wilter Palma at South Cotabato 1st Dist. Rep. Pedro Acharon Jr ay tumungo muna sa tanggapan ni ARMM Governor Mujiv Hataman bago ang public hearing on the Bangsamoro Basic Law Bills (BBL) kamakawa sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa ARMM Compound dito sa Cotabato City.
Iprinisenta ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kanilang panukalang Bangsamoro law sa publiko na pinagsama-sama mula sa mga panukala na inihain sa House, pati na ang draft ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).
Ang public hearings hinggil sa panukalang BBL ay isasagawa ng Kongreso sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao hanggang sa buwan ng Marso.
Noong Enero 25 ay nauna nang nagsagawa ng public consultation sa Cotabato City para sa proposed BBL ang Senado sa pamamagitan nina Senators Miguel Zubiri, Sonny Angara, JV Ejercito at Risa Hontiveros.
ARMM Governor Mujiv Hataman, mainit ang pagtanggap sa house leaders na nagsagawa ng public hearing kaugnay ng BBL sa lungsod!
Facebook Comments