Nagsimula na kahapon ang tatlong araw na pamamahagi ng ARMM HEART ng Loaf Bread at Peanut Butter sa mga Mosque sa Maguindanao .
Sinasabing nasa 20 loaf bread/ slice bread at 10 peanut butter ang ipinagkakaloob sa mga mosque ayon pa kay Myrna Jo Henry, Focal Person ng ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team .
Bagaman napakaliit na bagay kung maituturing, umaasa ang ARMM Heart na makakatulong ang kanilang simpleng insyatiba bilang pandagdag sa pang Iftar o pang Suhur ng mga nag- aayuno kasabay ng obserbasyon ng Ramadan.
Kaugnay nito patuloy namang umaasa ang ARMM Heart na magiging matiwasay ang pagoobserba ng buwan ng ramadan di lamang sa Maguindanao kundi sa buong rehiyon, patuloy rin ang paalala ng mga ito maging handa sa anumang kalamidad.
Samantala , on going na rin ang monitoring ng ARMM Heart kasabay naman ng pagpasok ng panahon ng rainy season.
Nakatutok na ang mga ito 24/7 katuwang ang DOST Pag-Asa, nagbigay na rin direktiba sa mga MDDRMO ng bawat LGU. On standby na rin ang mga rescue vehicle at voulunteers ng ARMM Heart base na rin sa mandato ni RDRRMO Director Ramil Masukat at ARMM Governor Mujiv Hataman.
FILE PIC
ARMM Heart on standby kasabay ng pagpasok ng Rainy Season
Facebook Comments