ARMM HEART tinugunan ang mga pangangailangan ng mga Bakwit sa Maguindanao

42

Patuloy ang monitoring at pagpapaabot ng tulong ng ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team sa lahat ng mga pamilyang naapektuhan ng ginawang Law Enforcement Operation ng militar kontra mga armado sa Liguasan Marsh na nagsimula noong madaling araw ng June 10.
Base sa pinakahuling tala ng ARMM HEART na ipinaabot sa DXMY nasa 14, 855 na mga indibidwal o 2, 971 na pamilya mula sa ibat ibang bayan ng Maguindanao ang naapektuhan sa nangyaring tensyon.
Agad namang nagtungo sa mga evac centers ang ARMM HEART kasama mismo si DSWD ARMM Secretary Laisa Alamia kasabay ng pagpapaabot ng mga relief goods na kinabibilangan ng bigas, kape at canned goods.
Matatandaang lumikas ang mga residente malapit sa pawas matapos maglunsad ng operasyon ang 6th ID kontra sa mga terorista na pinangunguhan ni Abu Toraife.
PIC: MJH

Facebook Comments