Patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team (Heart) sa mga pamilyang naapektuhan sa nagpapatuloy na krisis sa syudad ng Marawi.
Sinasabing kabilang sa mga tinutukan ng ARMM HEART ang mga mahigit 53 libong pamilyang nasa mga evacuation centers sa ibat ibang bayan ng Lanao Del Sur, ayon pa kay Myrna Jocelyn Henry, isa sa mga senior staff ng ARMM HEART.
On going din aniya ang validation at assessment sa mga pamilyang apektado upang lalong mapadali ang pamamahagi ng mga karagdagang relief goods.
Kaugnay nito lubos namang pinasalamatan ng ARMM Heart ang lahat ng mga organisasyon, sektor at mga indibidwal na patuloy na nagpapaabot ng tulong habang bukas pa rin aniya sila sa mga may busilak na kalooban na magbibigay ng donasyon para sa residenteng naapektuhan ng krisis sa Marawi City.
Matatandaang, walang humpay ang pagbibigay ng ayuda ng ARMM Heart simula day 1 ng Marawi Crisis maliban pa sa buwis buhay na inaalay ng kanilang mga rescue staff.
Kaugany nito, tinatayang abot na sa 77 million pesos ang nailaan ng ARMM Government para sa mga residenteng naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi, ayon pa kat ARMM Governor Mujiv Hataman sa ginawang Tapatan sa ARMM kahapon.
Umaasa naman ang gobernador na tuluyang manumbalik na sa normal na sitwasyon sa syudad ng at muling makapamuhay ng tahimik ang mga residente ng Marawi. (DENNIS ARCON)
ARMM HEART PICS