ARMM, inanunsyu ang mga bakanteng plantilla positions!

Sa pamamagitan ng Personnel Selection and Promotion Board (PSPB) nito, inanunsyu ng ARMM government ang vacant plantilla positions.
Kahapon, April 10, mayroong 45 published vacant plantilla positions mula sa ARMM agencies partilukar sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Office of the Regional Governor.
Ang available items ay binubuo ng second level positions, first level positions, managerial, clerical, technical, at support positions.
Ang mga interesado at kwalipikadong aplikante ay kailangang personal na magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng pag-e-mail sa rpspb@armm.gov.ph.
Tinitiyak naman ng Board ang tapat at patas ang proseso ng pagpili at promosyon ng mga empleyado sa ARMM bureaucracy.

Facebook Comments