ARMM nagdagdag ng halos 200 mga guro sa Sulu!

Nilagdaan ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang appointment papers at deployment orders ng 192 public school teachers sa Sulu noong Huwebes, January 4, 2017 sa Jolo, Sulu.
Umasiste kay Gov. Hataman si Sulu schools division superintendent Dr. Tim Undain-Sanchez.
Ito ay matapos na sumailalim ang naturang mga guro sa screening process na kinabibilangan ng validation ng kanilang credentials, comprehensive examination, teaching demonstration at panel interview.
Ang naturang mga guro ay itatalaga sa iba’t-ibang public elementary at secondary schools sa Sulu.
Hinamon naman ni Gov. hataman ang bagong hired teachers na tumulong na maiangat sa estado ng basic education sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay full commitment sa pagtuturo at pagpapayaman at pagpapaunlad sa kaalaman ng mga mag-aaral.(photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments