ARMM nagdiriwang ng 28th Founding Anniversary, ilang Senador bisita

Nagsimula na ang mga aktibidad kasabay sa pagdiriwang ng ika 28th Founding Anniversary ng Autonomous Region in Muslim Mindanao Government .

Kabilang na rito ang ginawang parade na nilahukan ng ibat ibang ahensya at sinundan ng isang programa sa ARMM Compound, bisita sa okasyon ang may bahay ni ARMM Governor Mujiv Hataman at dating Representative ng Anak Mindanao Sittie Djalia Turabin Hataman.

Tampok rin ngayong araw ang Peoples Day , ARMM Master Chef Season 3 , Food Festival, Cultural Booth Pesentation , at magiging highlight sa okasyon ang gagawing State of the Region Address ni ARMM Governor Mujiv Hataman ayon pa kay Executive Secretary Atty. Laisa Alamia .


Inaasahang magiging bisita rin sa pagdiriwang sina Senador Ping Lacson, Joel Villanueva, Migz Zubiri at Sonny Anggara, maliban pa sa mga gabinete ni Presidente Rody Duterte dagdag ni ES Alamia.

Pormal na ring bubuksan ngayong umaga ang bagong gusali ng ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team.

Facebook Comments