Sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd), nagpadala ang ARMM government ng mahigit 400 student-athletes sa 2018 Palarong Pambansa na gaganapin sa Vigan, Ilocos Sur.
Sinabi ni DepEd-ARMM Secretary Rasol Mitmug, Jr. binibigyang halaga ng kagawaran ang sports na isang paraan ng mga mag-aaral na magsumikap upang maging mabuting indibidwal.
“Dito nakikita din ng mga estudyante na kailangan magpursigi para makuha nila ang inaasam nila—ang medalya. Naikikintal sa kanila dito ang disiplina na mahalaga para makuha mo ang gusto mong makamit.”, ayon kay Sec. Mitmug.
21 sports events ang lalahukan ng ARMM ngayon taon, ilan dito ay Arnis;Athletics;Badminton;Basketball;Chess;Futsal;Sepak Takraw;Softball;TableTennis;Tennis;Volleyball;Wrestling;Wushu;Billiards;Archery;Pencak Silat;Taekwondo. –
ARMM, nagpadala ng mahigit 400 delegado sa Palarong Pambansa 2018!
Facebook Comments