Sa Tapatan sa ARMM kahapon, inihayag ni DAF-ARMM Sec. Alexander Alonto, Jr. na nananatiling top producer ng white corn at pang-apat sa yellow corn production noong 2017 ang ARMM, tumaas din ang rice production sa rehiyon sa kaparehong panahon.
Sinabi ni Sec. Alonto na umangat ng 43% noong 2017 ang corn production kumpara noong 2016.
Base sa tala ng Philippine Statistics Authority, ang ARMM ay nakapag-produce ng 850,063 metric tons ng mais noong 2017 samantalang 590,579.86 metric tons lamang noong 2016.
Samantala, ang rehiyon ay nakapag-produce ng 577,973 metric tons ng palay noong 2017, bahagyang mataas sa 544,486 metric tons noong 2016.
Sa kabilang banda, ang DAF-ARMM ay nakipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry-ARMM upang i-develop ang industriya ng chevon meat sa rehiyon.
Nagpapatupad din ng mga proyekto at programa ang DAF-ARMM sa ilalim ng Humanitarian and Development Assistance Program (HDAP)-ARMM na nagkakahalaga ng P52 million kabilang dito ang construction ng farm-to-market roads, rice processing centers at iba pang post-harvest facilities.
Ngayong 2018, ang ahensya ay may pondo na mahigit sa P460 million, susuporta ito sa banner at special programs.(photo credit:bpiarmm)
ARMM, nananatiling top producer ng mais!
Facebook Comments