ARMM peace council, nagpasa ng anti-terror, drug ops resolutions!

Kabilang sa resolusyon na ipinasa ay ang kahilingan sa Supreme Court na magtalaga ng special courts na hahawak sa drug cases sa mga lalawigan sa ARMM, samantalang ang 2 iba pa ay ang pagtatatag ng Anti-Terrorism Task Force at Regional Anti-Drug Abuse Council.
Ang isa pang ipinasang resolusyon ay nag-aatas sa local government units sa ARMM na magkaroon ng regular na alokasyon para sa traditional madaris ay ipinasa sa 4th Regional Peace and Order Council meeting kamakailan.
Ang naturang resolusyon ay sumusuporta sa pagbalangkas ng Unified Standard Curriculum para sa Traditional Weekend Madrasah ng regional Bureau of Madaris, ito ay magbibigay ng malakas na pondasyon para sa values-based education sa rehiyon na naka-angkla sa tunay na Islamic beliefs and teachings.
Ang 4 na mga resolusyon na ipinasa sa naturang meeting ay parehong pakay na labanan ang terorismo at iligal na droga sa rehiyon.

Facebook Comments