Tutulak ngayong araw sa Mamasapano Maguindanao ang ARMM Government kasama ng ibat ibang line agencies, mga opisyales AFP at PNP para magkaloob ng ibat ibang serbisyo kasabay ng gagawing Peoples Day na natuon sa paggunita ng ika tatlong taong madugong insidente sa Brgy . Tukanalipao.
Magkakaloob ng medical services, mamahagi ng ibat ibang farm equipments maliban pa sa gagawing feeding program at madaming iba pa ang nakatakdang gagawin sa Municipal Hall ng Mamasapano ayon pa kay Executive Secretary Atty. Laisa Alamia.
Kaugnay nito malaki na ang naging pagbabago ng Brgy. Tukanalipao matapos ang insidente , matatandaang bumuhos ang proyekto ng ARMM kasama ang 6th ID at mga NGOs kabilang na rito ang pagpapagawa ng Tulay, Kalsada, Eskwelahan at Brgy. Hall.
January 25, 2015 nang maitala ang madugong insidente na resulta sa pagkakasawi ng 44 SAF Troopers, 18 MILF Combatants at 5 sibilyan.
File Pic: @Tukanalipao, Mamasapano