Ilang mga panukala ang pinagtibay at inaprubahan sa pulong ng Regional
Economic and Development Planning Board (REDPB) na pinangasiwaan ni ARMM
Governor Mujiv Hataman.
Kabilang dito ang panukalang Bangon Marawi Comprehensive, Rehabilitation,
and Recovery Program for 2018-2022, climate change responsive integrated
river basin management development master plan for Mindanao River at ang
Ambal-Simuay river and Rio Grande de Mindanao river flood control projects.
Ang REDPB ay ang highest policy-making body ng ARMM.
Nagsisilbi itong planning, coordinating at monitoring body para sa lahat ng
development plans, mga programa at proyekto sa rehiyon.
Ilan naman sa mga programa at proyekto na tinalakay ay ang Formulation ng
Philippine Water Supply System; Mga panukalang irrigation projects sa
lalawigan ng Lanao del Sur; Programming ng CY 2019 ARMM annual
infrastructure projects.