612 silid-aralan ng mga pampublikong eskwelahan sa elementarya at sekondarya ang sinimulan nang kumpunihin at ni-rehabilitate ng ARMM bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.
Ayon kay DepEd-ARMM Assistant Secretary Alfhadar Pajiji na P130 million ang gagastusin sa repait at rehabilitasyon ng school buildings.
Sinabi pa ni Asec. Pajiji na ang naturang proyekto ay laan para sa major repairs samantalang ang minor repairs, pagpintura at paglilinis sa mga classroon ay gagawin sa Brigada Eskwela sa MAYO.
Naglagda ng memorandum of agreement ang DEP-ed-ARMM at DPWH-ARMM para sa implimentasyon ng proyekto.
Sasailalim sa superbisyon ng district engineers ng bawat probinsya sa ARMM ang mga proyekto dagdag pa ni Asec. Pajiji.
Sa kasalukuyan, mayroon 2,155 elementary schools at 304 secondary schools sa ARMM.
ARMM, sinimulan na ang pagkumpuni at rehabilitasyon ng mga silid-aralan sa public schools sa rehiyon!
Facebook Comments