ARMMAA 2018 isinagawa sa Upi, Maguindanao

Nagsimula na ang weeklong activities kasabay ng Palarong ARMMAA 2018 .
Sinimulan ito ng isang parada at sinundan ng programa sa bayan ng Upi, Maguindanao na pinangunahan ni Department of Education Secretary Atty. Rasol Mitmug Jr. kasama ang mga school heads ng ibang ibang division.
Nakatakdang gawin ang ibat ibang sports event sa bayan ng Upi maliban na lamang sa swimming na gagawin sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Sinisiguro namang all is set na ang lahat ayon pa kay Sec. Mitmug. Umaasa naman ang kalihim na magigimg masaya ang lahat ng mga atleta sa kanilang paglahok sa ARMMAA kasabay pag-asang may mga madidiskubreng bagong mamayagpag na atleta para maging representante ng ARMM sa nalalapit na Palarong Pambansa 2018.

Photos from #ARMMAA 2018




Facebook Comments