Armored vehicle, aksidenteng nabuksan ang pinto; ‘nagpaulan ng pera’

520
Screenshot via Reddit User Tribat

Tinatayang nasa $175,000 o 8 milyong piso ang naglipana sa hangin dahil sa aksidenteng pagkakabukas ng pintuan ng isang armored vehicle sa Atlanta Highway sa Georgia, Estados Unidos.

Sa video na ibinahagi ni Reddit User Tribat, mapapanood ang halos 20 na motorista ang bumaba ng kanilang mga sasakyan upang makakuha at pumulot ng ‘libreng’ pera sa kalsada.


Wala namang naiulat na kadahilanan ng aksidenteng pagkabukas ng pinto o sino ang may-ari ng mga pera.

Umani naman ito ng nakakatuwang reaksyon sa mga netizen.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 4,700 reactions, 1,300 comments at 165, 000 views.

Panoorin ang kabuuan ng video na ibinahagi ng Philippine Star:

Facebook Comments

From Advertisers