Nagkaroon ng isang araw na pagsasanay ang ilang tauhan ng Philippine Army at Philippine Navy na kabilang sa combat engineering units sa Marine Base Gregorio Lim, Ternate, Cavite.
Ayon kay Philippine Army Spokesprson Col. Xerxes Trinidad, ang mga sundalong nagsanay ay mula sa Philippine Army’s 525th Engineer Combat Battalion at Philippine Navy’s 3rd Naval Combat Engineer Battalion.
Sila ay nagsanay partikular sa fundamentals of explosive demolition, katulad ng individual priming of explosives, confidence explosives firing gamit ang electric and non-electric system, obstacle breaching, emplacement of wire entanglement, at single and multiple room clearing.
Sumali rin sa pagsasanay ang mga estudyante at instructors nang nagpapatuloy na Combat Engineer Squad Operations Training.
Sinabi naman ni Army Chief Lt. Gen. Andres C Centino na mahalaga ang ganitong mga joint training para mas mapaangat ang capability at interoperability Army at Navy sa pagharap sa lahat ng banta sa seguridad ng bansa.