Army chief, ininspeksyon ang kanilang aviation choppers

Nagsagawa ng inspeksyon si Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., sa kanilang dalawang helicopters na ipinalipad para sa round-trip proficiency flight mission mula Fort Magsaysay, Nueva Ecija hanggang Army’s main headquarters in Fort Bonifacio kahapon.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ginawa ni Army chief ang inspeksyon sa harap ng isinasagawang long-range proficiency training flight na pinangunahan ni Army Aviation Regiment Commander Col. Andre Santos.

Sinabi ni Xerxes, ang pagsasanay ay bahagi ng patuloy na skills enhancement ng rotary-wing aviators ng Philippine Army.


Ito ay upang mas mapaunlad ang Army aviation para sa mga susunod na misyon ng tropa sa ground.

Pinuri naman ni Brawner ang Aviation Regiment dahil sa kanilang modernization efforts.

Facebook Comments