Monday, February 16, 2026

Army colonel na nag-post sa social media ng pagwi-withdraw ng suporta sa administrasyon, isasailalim sa General Court Martial

Isasailalim sa General Court Martial o paglilitis sa militar ang isang Army colonel na nag-post sa social media tungkol sa pagwi-withdraw nito ng suporta sa administrasyon.

Kinumpirma ni Antonio Nafarrete, Chief of Staff ng Philippine Army, na inaprubahan na niya ang pagko-convene ng General Court Martial na siyang lilitis kay Audie Mongao.

Ito ay matapos makumpleto ng Philippine Army ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa kaso ng nasabing opisyal.

Nabatid na nag-post umano si Col. Mongao sa social media tungkol sa pagwi-withdraw nito ng suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Paglabag sa Article of War 63 ang kasong kinahaharap ng opisyal dahil sa umano’y kawalang-galang sa pangulo bilang commander-in-chief.

Nakasaad sa naturang probisyon na sinumang sundalo na magpapakita ng kawalang-galang sa pangulo, pangalawang pangulo, Kongreso, at sa kalihim ng Tanggulang Pambansa ay maaaring maharap sa parusang pagpapatalsik sa serbisyo militar.

Facebook Comments