Army Corporal ng 19th IB na nasabugan ng IED sa Magpet pumanaw na!

Pumanaw na ang isa sa anim na sundalo mula 19th IB na nasabugan ng Improvised Explosive Device sa Brgy. Doles Magpet North Cotabato.
Sinasabing pumanaw habang nasa pagamutan sa Davao City si Corporal Ranie Gutierrez matapos magtamo ng multiple blast wounds sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Matatandaang sakay ng kanilang KM Military Vehicle si Cpl. Gutierez kasama ng iba pang mga sundalo magmula sa Medical Mission sa Magpet ng pasabugan ng IED at paputukan pa ng mga di nakilalang mga armado.
Naging sugatan rin sa explosion sina Lt Rustine Barco,Cpl Roldan Parcon,Cpl Shanon Obaldo,Pvt Rolando Bublao at Pvt Dennis Andol.

Facebook Comments