Army engineers, naka-standby na para sa possible deployment sa mga lugar na tinamaan ng lindol

64

Nakahanda na para sa kanilang deployment kung kinakailangan ang army engineers.

Ayon kay Army Chief Public Affairs Col. Xerxes Trinidad, naka- standby na ang 525th Engineer Combat “Mandirigtas” Battalion, 51st Engineer Brigade at 2 search and rescue teams para umagapay sa disaster-response efforts sa mga lugar na matinding tinamaan ng lindol.

Sinabi pa ni Col. Trinidad na naka-preposition na rin ang mga equipment ng tropa para kung sila ay kailanganin ay agad silang makakapunta sa apektadong lugar.


Una nang idineploy ng Philippine Army ang kanilang reservists at ROTC cadets kung saan sila ang nanguna sa rescue and relief efforts sa mga apektadong pamilya sa Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley.

Facebook Comments