Army Official patay 9 wounded sa operasyon kontra BIFF

Patay ang isang Army 2nd lieutenant sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng military at Bangsamoro Islamic Freedom Figthers sa boundaries ng Rajah Buayan at Mamasapano Maguindanao.

Sinasabing nagmumula sa pwersa ng 40th IB ang nasawing opisyal habang 9 na mga sundalo pa ang naging wounded sa enkwentro ayon pa kay 6th ID Spokesperson Army. Cpt Arvin Encinas sa panayam ngayong umaga ng DXMY.

Nagkasagupa ang tropa ng military kontra sa grupo ni Commander Karialan pasado alas sais kahapon ng umaga. Sinasabing 4 ang nasawi sa BIFF kabilang na ang isang Commander Marrox habang di matukoy kung ilang ang sugatan.


Ilang mga high powered firearms at mga improvised explosive device din ang narecover ng military mula sa mga tumakas na mga armado dagdag ni Cpt. Encinas.

Kasalukuyang magpapatuloy pa rin ang opensiba ng military kontra sa mga ISIS Inspired members, base na rin sa direktiba ni Western Mindanao Commander LT. General Arnel Dela Vega sa pamamagitan ng Joint Task Force Central.

Nasa 15 mga sundalo na ang naging wounded mula sa hanay ng military magmula ang July 1 encounter, maliban pa sa dalawang sundalong nasawi.

6th ID Pic

Facebook Comments