ARMY RECRUITMENT NA WALANG AGE LIMIT, FAKE NEWS AYON SA PHIL. ARMY

CAUAYAN CITY -Pinabulaanan ng Philippine Army ang kumakalat ngayon sa social media na mass army recruitment na wala umanong age limit.

Sa pamamagitan ng isang facebook post, nilinaw ng sandatahang lakas na walang katotohanan ang kumakalat ngayon na online application at maituturing itong scam.

Mahigpit ding ipinapaalala sa publiko na isa lamang ang ginagamit na website ng Philippine Army at doon lamang umano sila tumatanggap ng aplikasyon sa mga nagnanais na maging sundalo.


Mariing ipinabatid ng ahensya na hindi sila tumatanggap ng bayad mula sa mga aplikante at aspiring soldier.

Sa fake post, nakasaad dito na maaari umanong mag-apply ang mga K12 graduates, no age limit, at nag-aalok pa ng P42,000 na buwanang sahod.

Pinapaalalahan ang publiko na maging mapanuri sa mga nakikita online dahil karamihan sa mga ito ay walang katotohanan at mas mabuti na lamang na sumangguni sa kinauukulan upang malinawan.

Facebook Comments