Army sa Negros, ipinapasiguro walang dapat ikaalarm sa banta ng terorismo

Negros Occidental – Ipinasisiguro sa ngayon ng pinuno ng 3rd Infantry Division ng Philipine Army sa Negros na si Lt. General Jon Aying na walang dapat ikaalarma kaugnay sa sinasabing pagpasok ng ilang terorista grupo sa isla.

Sa isinagawang Inter-agency Security meeting kahapon sa Bacolod City, muling sinabi ni Aying na walang “cause for alarm” dahil matibay ang seguridad na ipinapatupad ng Armed Forces of the Philippines sa rehiyon ng Visayas upang masiguro hindi makapasok ang ano man ISIS-inspired na grupo ng mga terorista.

Ayon kay Aying, sa ngayon ipinapatupad nila ang target hardening at iba pang mga related activities sa pamamagitan ng pag involve ng mga mamamayan sa komunidad at barangay para sa seguridad ng mga ito.


Kasama sa activity sa security meeting ay ang inter-agency workshop kung saan si Lt. Gen. Aying mismo ang nag preside kasama ang iba’t ibang security forces at local government officials.

 

Facebook Comments