ARNAIZ – DE GUZMAN CASE | 2 nasasangkot na pulis, inaresto na

Manila, Philippines – Inaresto na ang dalawang pulis caloocan na dawit sa pagpaslang sa kina Carl Arnaiz at Reynaldo De Guzman, alyas kulot noong nakaraang taon.

Ito ay matapos ilabas ni Judge Georgina Hidalgo ng branch 122 ng Caloocan RTC ang arrest warrant laban kina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita na kapwa nahaharap sa mga kasong ‘murder, torture at planting of evidence’.

Wala ring inirekomendang piyansa ang korte sa dalawa.


Kapwa nasa ‘restrictive custody’ ng National Capital Regional Police Office headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang dalawang pulis.

Nitong nakaraang biyernes, pormal na sinampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang pulis makaraang makakita ng ‘probable cause’.

Habang ibinasura naman ang kaso laban sa taxi driver na si Tomas Bagcal.

Agosto 28, 2017 nang makita ang bangkay ni Arnaiz sa isang morge 10 araw makaraang mapatay umano sa barilan sa c-3 road sa Caloocan makaraang holdapin umano si Bagcal.

Natagpuan naman sa may Nueva Ecija ang bangkay ni Reynaldo na tadtad ng saksak sa katawan.

Facebook Comments